Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Selektibong pagbubulag-bulagan, nakakasira sa pandaigdigang kooperasyon laban sa terorismo

(GMT+08:00) 2019-12-09 11:55:18       CRI

Inilabas kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) ang dalawang dokumentaryo sa wikang Ingles hinggil sa paglaban ng Xinjiang sa terorismo na may pamagat na "Fighting Terrorism in Xinjiang" at "The Black Hand -- ETIM and Terrorism in Xinjiang." Sa makatotohanang paraan, ipinakikita ng dalawang dokumentaryo ang mararahas na aksyong ginawa ng mga terorista at ekstrimistang panrelihiyon sa Xinjiang. Ipinakita rin sa mga ito ang tunay na kalagayan ng paglaban sa terorismo at deradikalisasyon sa Xinjiang.

Sa kabila nito, selektibo pa ring nagbubulag-bulagan ang ilang media at pulitikong kanluranin, at nagkukunwaring bingi at pipi sa mga ito. Sa katwiran ng karapatang pantao, sinisiraang-puri ng nasabing mga media at pulitiko ang patakaran ng Tsina sa pangangasiwa sa Xinjiang, sumusuporta sa mga marahas, teroristiko at ekstrimistikong aksyon na nagaganap sa Xinjiang, at higit sa lahat, pinangangalagaan ang mga radikal at terorista. Ang ganitong selektibong pagbubulag-bulagan ay nakakasira sa pandaigdigang kooperasyon laban sa terorismo, at nagpapadala ng napakamapanganib na signal upang sumulong ang pandaigdigang puwersang teroristiko.

Ang mapayapa, matatag at masaganang kalagayan ng paglaban sa terorismo sa Xinjiang, at ginawang ambag nito para sa pandaigdigang kooperasyon laban sa terorismo ay hinding hindi mapapabulaanan ng anumang tsismis at paninirang-puri. Hinihimok ng Xinjiang, Tsina ang ilang pulitikong kanluranin na huwag suportahan ang terorismo at ekstrimismo, dahil salungat ito sa moral at makatarungang basehan ng sangkatuhan. Tiyak na may kabayaran ang ganitong katakut-takot na aksyon, sa malapit o malayong hinaharap.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>