Inilabas kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) ang dalawang dokumentaryo sa wikang Ingles hinggil sa paglaban ng Xinjiang sa terorismo. Pero nananatiling tahimik ang mga pangunahing media ng mga bansang kanluranin na palagiang pinag-uukulan ng pansin ang iba't ibang balitang may kinalaman sa Xinjiang. Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes, Disyembre 9, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na may responsibilidad ang mga media na obdyektibo't makatarungang ipakita sa mga tagasubaybay ang katotohanan, sa halip ng selektibong pagkukunwaring bingi't pipi at pagbubulag-bulagan.
Sa pamamagitan ng maraming obdyektibong katotohanan, ibinunyag ng nasabing dalawang dokumentaryong pinamagatang "Fighting Terrorism in Xinjiang" at "The Black Hand -- ETIM and Terrorism in Xinjiang" ang ginawang pagsisikap at sakripisyo ng Tsina para sa pagharap sa mga banta ng terorismo, separatismo at ekstrimismo. Ipinakita rin nito ang iba't ibang masamang aksyon ng Eastern Turkistan Islamic Movement (ETIM) sa Xinjiang. Pero bihirang ikinober ng mga pangunahing kanluraning media ang mga dokumentaryong ito.
Salin: Vera