Nitong Miyerkules, Nobyembre 20, 2019, isinapubliko ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang resulta ng Ika-4 na National Economic Census. Ayon dito, nitong limang taong nakalipas, matatag at de-kalidad na sumusulong ang kabuhayang Tsino. Una, mabilis na umuunlad ang industriyang pangserbisyo ng bansa, bagay na nakakapagpasulong sa sustenableng pagbuti ng estruktura ng kabuhayang Tsino; Ikalawa, walang humpay na bumubuti ang kapaligirang pangnegosyo na nakakapagpasigla sa de-kalidad na paglaki ng kabuhayang Tsino; Ikatlo, ang pagpapasulong ng inobasyon ay nagkakaloob ng mas maraming puwersa para sa de-kalidad na paglaki ng kabuhayang Tsino.
Bagama't dumarami ang elementong kawalang-katatagan sa proseso ng pag-unlad, hindi nagbabago ang pangkalahatang tunguhin ng pangmalayuang paglaki ng kabuhayang Tsino. Ito ay magkakaloob ng mas malakas na suporta sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng