Sa bisperas ng Pasko at bagong taon, nagpadala si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ng bating pampasko at pambagong taong sa mga mamamayang Pilipino.
Saad ni Huang, may 6 na milyong Katoliko at 38 milyong Kristiyano sa Tsina ang nagdiriwang sa Pasko, at ang paggalang at pangangalaga sa kalayaang panrelihyon ay pundamental na patakaran ng pamahalaang Tsino sa relihyon.
Ani Huang, sa taong 2019, matatag na umuunlad ang relasyong Sino-Pilipino. Iginigiit ng dalawang bansa ang mapayapa't mapagkaibigang pakikipamuhayan, tuluy-tuloy na sumusulong ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, at humihigpit ang people-to-people exchanges. Sa darating na taong 2020, sasalubungin ng dalawang bansa ang ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko. Inaasahan aniya ni Huang na mahigpit na makikipagtulungan sa mga kaibigang Pinoy, para mapasulong ang malalimang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, at ihatid ang mas maraming aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Binati niya ng isang maligayang Pasko at manigong bagong taon ang mga mamamayang Pilipino.
Salin: Vera