Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na may kompiyansa ang Tsinang magiging mas malakas pa sa 2020 ang pag-unlad nito.
Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, sa Beijing, kay Pangulong Taneti Mamau ng Kiribati.
Sinabi rin ni Xi na nagsimula ang bagong taon sa pinaghalong mga maganda at masamang balita, at dumarami rin ang mga elemento ng kawalang katatagan at katiyakan.
"Ang pagbisita sa Tsina ni G. Pangulo ay nagsimula habang nahuhulog sa Beijing ang unang niyebe ng bagong taon. Tulad ng isang kasabihang Tsino, 'ang isang napapanahong pag-ulan ng niyebe ay nag-aalok ng pangako para sa masaganang ani,' at ang Tsina ay may tiwala, na ang pag-unlad nito ay magiging mas mabuti sa 2020, "sabi ni Xi.
Salin: Liu Kai