Idinaos kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, sa Tehran, Iran, ang paglilibing kay Qasem Soleimani, Komander ng Quds Force ng Iranian Islamic Revolutionary Guard Corps, na napatay sa airstrike ng Amerika.
Ayon sa media ng Iran, nang araw ring iyon, nagrali sa Tehran ang libu-libong Iranyo, para ihatid si Soleimani sa huling hintuan. Isinigaw nila ang mga katagang humihiling sa tropang Amerikano na agarang umalis ng Gitnang Silangan.
Lumahok din sa paglilibing sina Kataas-taasang Lider Ayatollah Ali Khamenei at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran.
Salin: Liu Kai