Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Tsina, bumisita nitong Martes, Enero 7, 2020 sa Liangjiahe, Lalawigang Shaanxi, si Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos. Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maluwag na tinatanggap ng panig Tsino ang pagbisita ng mas maraming personaheng dayuhan sa Tsina, lalong lalo na, sa mga county na katulad ng Liangjiahe.
Ang Liangjiahe ay pinagtrabahuhan minsan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Saad ni Geng, ang Liangjiahe ay modelo ng reporma't pagbubukas, at pagpawi sa kahirapan ng Tsina. Ito rin ang pinanggagalingan ng "Chinese Dream." Nitong nakalipas na ilang taon, bumisita sa Liangjiahe ang maraming dayuhang mataas na opisyal, at lubos nilang hinangaan ang natamong tagumpay sa lugar sa mga larangang gaya ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, konstruksyong ekonomiko, pagsasaayos sa ekolohiya.
Salin: Vera