Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Liangjiahe: Ang pagkakaibigang di-tumatanda (3)

(GMT+08:00) 2018-07-05 20:02:14       CRI

Ito ang ikatlong episode ng literary non-fiction na pinamagatang Liangjiahe, kung saan mababakas ang pitong taong pamumuhay at pagtatrabaho ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga taga-nayon ng Liangjiahe, simula noong 1969.

Si Xi Jinping (nakaupo sa gitna), kasama ng mga taga-nayon ng Liangjiahe, noong Oktubre 8, 1975 (File photo: Xinhua)

Sa isang maliit na museo sa Lingjiahe, may isang larawang nakasabit sa dinding. Ipinakikita ng larawan ang tagpo ng pagpapaalam ng mga taga-Liangjiahe kay Xi Jinping, habang naghahanda siyang lumisan upang mag-aral sa Unibersidad ng Tsinghua.

Di-kumikilos bilang isang opisyal si Xi Jinping nang kasama niya ang mga taga-barangay. Para naman sa mga taga-Liangjiahe, ang ngayon ay Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay siya pa ring masipag, pragmatiko, at mapagmahal sa mga aklat na batang lalaking nakilala nila ilang dekada na ang nakakaraan.

Sa pag-inspeksyon ni Xi Jinping sa Yan'an noong 2009, nagkaroon siya ng pagkakataong muling makita ang dating kasamahan sa Barangay Liangjiahe, na si Wang Xianping.

Sa normal na pagkakataon, madaldal si Wang, pero, nang makipagkamay siya kay Xi Jinping, natigilan siya. Hindi niya malaman kung paano tatawagin ang matanda at matalik na kaibigan. Sasabihin ba niyang "Ginoong Bise Presidente," o sasabihin ba niyang "Jinping."

Unang bumati si Xi Jinping: "Xianping! Medyo tumaba ka yata kumpara noong huli tayong nagkita."

Muling naala-ala ng dalawa nang namumuhay pa sa Lingajiahe si Xi Jinping. Kung minsan, nag-eensayo pa nga sila ng buno.

"Totoong napakasaya ng mga panahong iyon," ani Wang. "Pareho kaming bata pa noon," dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Wang kay Xi, "alam mo, kung alam ko lang na ikaw ay magiging isang mataas na opisyal, hindi na sana ako nangahas na makipagbuno sa iyo."

Biglang napatawa si Xi Jinping nang marinig niya ito sa kaibigan. "Huwag mo ngang sabihin iyan," sabi niya kay Wang.

At nang simulan ni Shi Chunyang na pumalit kay Xi Jinping bilang Kalihim ng Partido sa Liangjiahe ang kanyang ulat panggawain, tinawag niya si Xi Jinping, bilang Your Honor, Bise Presidente Xi Jinping." Dagliang tinigilan ni Xi si Shi, at sinabing "Ikaw naman, bakit mo ako tinatawag sa titulong iyan?"

Noong 1969, ilang buwan matapos dumating ni Xi Jinping sa Liangjiahe, nagpakasal ang isa sa mga taga-barangay na si Zhang Weipang. Noong panahong iyon, medyo kapos sa pera ang pamilya ni Zhang. Kaya naman, ibinabahagi si Xi Jinping ang kanyang personal na probisyon sa pamilya at regular din siyang naghahapunan kasama sila. Maliwanag pang naaala-ala ni Zhang ang mga panahong iyon. Aniya, "kontento si Xi Jinping kung anuman ang iniluto at inihain ng asawa ko, at di niya kailanman minaliit ang mahihirap."

Matapos ang ilang taon, bago tumungo sa Beijing si Xi Jinping upang mag-aral sa kolehiyo, ibinigay niya kay Zhang Weipang ang dalawang kumot, dalawang coat, at kagamitan sa pananahi. Ang mga ito ay lubhang importante kay Xi. Nakaburda sa mga ito ang salitang "Puso ng Ina," at ang mga ito ay ibinigay ng ina ni Xi Jinping nang lisanin niya ang kanyang tahanan para magpunta sa Lingjiahe.

Noong 1993, nang bumalik sa Liangjiahe si Xi, nagtatrabaho sa bukid si Zhang Weipang sa itaas ng burol. Nang malaman niyang nagbalik na si Xi, daglian siyang tumakbo pababa ng burol, samantalang umakyat din ng burol si Xi, at nagkita sila sa kalagitnaan. Ani Zhang, "walang pakialam si Jinping kahit marumi ang aking damit. Niyakap niya ako at nag-usap kami. Sobra ang aking tuwa at hindi ko alam kung ano ang sasabihin."

Ang masarap na atsara

Sa kanyang pag-ala-ala sa panahong nakalipas, sinabi ni Xi Jinping na, "itinuro sa akin ng mga taga-barangay kung paano mabuhay, at magtrabaho sa bukid. Ako noon ay isang kabataang salat sa kaalaman. Pero, dahil sa kanila, natutunan ko ang lahat – kung paano gumawa ng nudels, kung paano magpa-usok ng tinapay na lokal at gumawa ng atsara. Talagang na-miss ko ang mga atsara."

Nang bumalik si Xi Jinping sa barangay noong 2015, kasama niyang kumain ang kanyang matatalik na kaibigan, at inihain sa hapag-kainan ang mga atsara. Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Xi, "kumain siya ng maraming atsara at kalabasa."

Pinakapaborito ni Xi Jinping ang atsarang gawa sa Liangjiahe. Sa isang panayam, sinabi ni Xi na, "noong una, hindi ako masyadong interesado sa mga pagkaing ganoon. Pero, noong nasa Liangjiahe ako, kailangang kumain kung anuman ang mayroon, kung hindi, ikaw ay magugutom. Binigyan ako ng pagkain ng mga taga-barangay, tulad ng tinapay na gawa sa mais, at tinapay na gawa sa sorghum. Lahat ng mga ito ay masasarap, pero ang pinakamasarap ay ang kanilang atsara, na talaga namang nami-miss ko ito."

Noong Marso 2014, nang sinusuri niya ang taunang government work report kasama ang mga delegado ng National People's Congress mula sa Probinsya ng Guizhou, ipinaliwanag ni Xi Jinping kung bakit napakahalaga ng kanayunan para sa kanya.

Aniya, "lagi sa puso ko ang kanayunan. Nang magpunta ako roon noong 1969, malaki ang tulong na ibinigay sa akin ng mga taga-barangay. Ibinahagi nila sa akin ang lahat ng kanilang kinakain. Noong panahong iyon, ang isang mangkok ng atsara ay perpektong pagkain. Totoo akong nakiki-isa sa mga taong magpahanggang ngayon ay namumuhay pa rin sa mahihirap na lugar. Bilang miyembro ng CPC, kailangang ilagay natin sila sa ating mga puso at magpunyagi tayo para sa kanilang ikabubuti. Kung hindi, hindi natin kailanman maaaring harapin na may dignidad ang ating konsiyensiya."

Ipinakikita ng Liangjiahe ang progreso ng Tsina

Sa kanyang pagbisita sa Lunsod ng Seattle, Amerika noong 2015, ikinuwento ni Xi Jinping sa kanyang host na Amerikano ang kanyang naging buhay sa Liangjiahe. "Ako at ang mga taga-barangay ay namuhay sa kuweba, at natulog sa higaang gawa sa ladrilyo at putik," ani Xi. "Halos hindi namin alam kung ano ang lasa ng karne. Ito ang nagpa-intindi sa akin kung ano ang mga bagay na kailangan kong gawin. Nang panahong iyon, ako ang Kalihim ng Partido ng barangay, at nagpunyagi ako para tulungan silang paunlarin ang kanilang lugar. Nagsumikap ako sa ilalim ng isang layunin: at ito ay siguruhing ang mga taga-barangay ay magkaroon ng karne sa hapag-kainan kahit paminsan-minsan lamang. Subalit, iyon ay isang pangarap na halos imposibleng makamit sa panahong iyon."

"Pero, ngayong nakaraang Pestibal ng Tagsibol, ako ay bumalik sa Liangjiahe. Ang barangay ay mayroon nang mga sementadong daan at mga bahay na gawa sa ladrilyo; ang mga taga-roon ay gumagamit na ng Internet; ang matatanda ay mayroon nang saligang pensyon; ang lahat ay mayroon nang segurong medikal; at ang kanilang mga anak ay mayroon na ring akses sa mabuting edukasyon; at siyempre ang pagkain ng karne ay hindi na problema," dagdag ni Xi.

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, sinabi ni Xi na, "sa maliit na barangay na ito, makikita ang progresong natamo ng Tsina, mula noong magsimula ang reporma at pagbubukas sa labas. Kinailangan namin ang 30 taon bago naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo ang Tsina. Ngayon, wala nang mga pagkukulang para sa 1.3 bilyong populasyon ng bansa. Maaari na nilang matamasa ang katam-tamang kaginhawahan sa buhay at lebel ng dignidad at karapatan na hindi nila makamtan noon. Ito ay hindi lamang malaking pagbabago sa buhay ng mga Tsino, kundi ito rin ay tanda ng malaking pag-unlad sa sibilisasyon ng tao, at importanteng kontribusyon ng Tsina sa pandaigdigang kapayapaan at prosperidad."

Salin: Rhio
Edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>