Airbase sa gitnang Iraq, sinalanta ng rocket attack
(GMT+08:00) 2020-01-13 10:19:29 CRI
Ayon sa pahayag ng Joint Operations Command ng Iraq, sinalanta kahapon, Linggo, ika-12 ng Enero 2020, ng rocket attack ang Balad airbase sa gitnang bahagi ng bansang ito, at 4 na tauhan ng tropang panghimpapawid ng Iraq ang nasugatan.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o indibiduwal ang umaako ng responsibilidad sa pag-atakeng ito.