Isinapubliko nitong Lunes, Enero 13, 2020 ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang ulat pang kalagitnaang-taon tungkol sa polisiya ng exchange rate kung saan kinansela ang katiyakan nitong isang "bansang manipulador ng exchange rate" ang Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 14 sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa katotohanan, ang Tsina ay di-kailanman naging bansang nagmanipula ng exchange rate. Aniya, ang pinakahuling nagawang konklusyon ay angkop sa katotohanan at pagkakasundo ng komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng