Nitong Miyerkules, Enero 15, 2020, idinaos sa Yangon ang audience meeting tungkol sa "Ode To Joy," isang Chinese TV series na kasalukuyang maiinit na sinusubaybayan at isinasahimpapawid ng MRTV.
Bunga ng isang serye ng aktibidad na kinabibilangan ng fan meeting ng mga manonood, nakakatulong sa pagpasok ng mga mahuhusay na TV series ng Tsina sa Myanmar, bagay na napapalalim ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.
Noong Disyembre 5, 2019, ini-ere sa MRTV ang "Ode To Joy" na nagkukuwento ng pagpupunyagi ng mga kabataang Tsino para sa kanilang pangarap at mas mabuting pamumuhay. Walang hanggahan ang diwa ng pagpupunyagi, hinihikayat ng mga kuwento ng pagsisikap ng mga kabataang Tsino ang mga kabataan ng Myanmar, at mainit itong tinatanggap ng mga lokal na manonood.
Salin: Li Feng