|
||||||||
|
||
Mandalay — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Disyembre 8 (local time), 2019 kay Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief Hukbo ng Myanmar, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Hukbo ng Myanmar ay nagsisilbing mahalagang puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng bansa, at pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na samantalahin ang pagkakataon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon para mapasulong pa ang kanilang relasyon.
Ani Wang, may mahalagang katuturan ang prosesong pangkapayapaan sa kahilagaan ng Myanmar para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pangmalayuang kapayapaan at seguridad ng bansang ito. Umaasa aniya siyang itutuloy ng Myanmar ang paggigiit ng diyalogong pulitikal upang mapasulong ang talastasang pangkapayapaan. Tulad ng dati, nakahanda ang Tsina na patingkarin ang konstruktibong papel sa talastasang ito, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Min Aung Hlaing na puspusang kinakatigan ng panig militar ng Myanmar ang pamahalaan sa pagpapasulong ng komprehensibo't estratehikong partnership sa Tsina. Buong sikap aniyang pangangalagaan ng Myanmar ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng Myanmar at Tsina, at pabibilisin ang pagpapasulong ng prosesong pangkayapaan sa dakong hilaga ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |