Ngayong araw, Enero 24, 2020 ay Chinese Lunar New Year's Eve, at ito'y pinakamahalagang araw ng pagtitipun-tipon ng mga mamamayang Tsino sa buong taon. Ngunit dahil sa nagaganap na epidemiya ng bagong uri ng coronavirus sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, nakilahok ang maraming Tsino sa pakikibaka laban sa virus, o kusa nilang piniling mawalay sa pamilya para mapigilan ang pagkalat ng virus, sa halip na umuwi
Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa isinasagawang mabilis, bukas, at maliwanag na hakbangin ng pamahalaang Tsino, at aktibo nitong pagsasagawa ng kooperasyon sa pakikibaka laban sa virus. Palagiang ipinapauna ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Sa kasalukuyang Spring Festival, buong sikap na nakikibaka ang mga mamamayang Tsino laban sa kalagayang epidemiko, bagay na nagbibigay ng espesyal na katuturan sa salitang "pagtitipon." Sa diwa ng pagkakaisa at magkakasamang pagpupunyagi, kasalukuyang nakikipaglaban ang 1.4 bilyong mamamayang Tsino sa epidemiko na nagpapakita ng kanilang lubos na damdamin sa tahanan at bansa.
Salin: Li Feng