Si Wang Jiangping, Pangalawang Ministro ng MIIT
Idinaos Linggo, Enero 26, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang news briefing hinggil sa pagkontrol sa kalagayang epidemiko ng pneumonia na dulot ng novel coronavirus. Isinalaysay ni Wang Jiangping, Pangalawang Ministro ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon (MIIT) ng Tsina, na makaraang sumiklab ang kalagayang epidemiko, nagiging pangunahing gawain ng kanyang ministri ang puspusang paggarantiya sa pagsuplay ng mga materyal ng pagkontrol at pagpigil sa epidemiya. Dahil nasa panahon ng bakasyon ng Spring Festival, namumukod ang kontradiksyon ng pagsuplay at pangangailangan ng mga materyal, isinasagawa ng MIIT ang mga gawain para maigarantiya at mapanumbalik ang produksyon ng mga departamento at bahay-kalakal. Bukod dito, isasagawa aniya ng mas maraming hakbangin upang mabigyang-kasiyahan ang pangangailangan ng lunsod Wuhan sa pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko.
Salin: Li Feng