|
||||||||
|
||
Si Ma Xiaowei, Puno ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina
Idinaos Linggo, Enero 26, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang news briefing hinggil sa pagkontrol sa kalagayang epidemiko ng pneumonia na dulot ng novel coronavirus. Isinalaysay dito ni Ma Xiaowei, Puno ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na sapul nang sumiklab ang nasabing kalagayang epidemiko, lubos itong pinahahalagahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa. Sa ilalim ng kanilang pamumuno, mabilis na kumilos ang Pambansang Komisyon ng Kalusugan, kasama ng mga kaukulang departamento para maisakatuparan ang iba't-ibang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Ang mga pangunahing gawain ay ang sumusunod:
Una, isinagawa ang paghahanap ng pinagmulan ng epidemiya at patnubay na teknikal. Inimbestigahan at natukoy ng mga eksperto ang sanhi ng epidemiya sa maikling na panahon, at tiniyak na ang epidemiyang ito ay dinulot ng novel coronavirus.
Ikalawa, binigyang-patnubay ang lunsod ng Wuhan ng probinsyang Hubei sa pagsasakatuparan ng iba't-ibang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol. Ipinauna ang gawain ng pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko sa Wuhan, at itinatag ang working group para agarang isakatuparan ang mga katugong hakbangin. Bukod dito, inilaan ng pamahalaang sentral ang 1 bilyong Yuan para katigan ang gawain ng probinsyang Hubei sa pagkontrol sa epidemiya. Isinaayos ang medical resources ng buong bansa na nagpadala ng 7 grupong medikal na binubuo ng halos 900 katao sa Wuhan. Ipinadala rin ng panig militar ang grupong medikal na binubuo ng 450 katao sa probinsyang Hubei. Samantala, naghihintay ng tungkulin ang 8 grupong medikal na binubuo ng mahigit 1,000 katao.
Ikatlo, pinalakas ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko sa buong bansa. Sa kasalukuyan, ipinatupad ng 30 probinsya ng Tsina ang Level 1 ng Public Health Emergency Response.
Ikaapat, puspusang binibigyang-lunas ang mga maysakit. Agarang sinusugan ang plano ng panggagamot para mabawasan ang kaso ng pagkamatay sa pinakamalaking digri.
Ikalima, pinabibilis ang pag-aaral na pansiyensiya't panteknolohiya.
Ika-anim, pinabuti ang gawain ng pagpapalaganap ng mga kaukulang impormasyon para palaganapin ang kaalaman sa lipunan hinggil sa pagpigil sa kalagayang epidemiko.
Ikapito, pinalalalim ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan. Agarang ipinagbigay-alam sa World Health Organization (WHO) ang tungkol sa kalagayang epidemiko at ibinabahagi rito ang mga impormasyong teknikal.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |