|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Sabado, Enero 25, 2020 ng awtoridad ng kalusugan ng Tsina na umabot na sa 1,975 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng bagongcoronavirus. Kabilang dito, 324 ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong 24 na oras na nakalipas, nagkaroon ng 688 bagong kumpirmadong kaso, 1,309 pinaghihinalaang kaso, at 15 kaso ng pagkamatay.
Hanggang nitong Sabado, 56 katao ang namatay dahil sa naturang sakit. Bukod dito, gumaling ang 49 katao, at nananatiling sinusuri ang maysakit ng 2,684 iba pa.
Sa ibayong dagat, 4 na kumpirmadong kaso ang naiulat sa Thailand, 2 sa Hapon, 2 sa Timog Korea, 2 sa Estados Unidos, 2 sa Biyetnam, 3 sa Singapore, 3 sa Malaysia, 1 sa Nepal, 3 sa Pransya, at 1 sa Australia.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |