Ayon sa National Health Commission ng Tsina, nitong Lunes, ika-27 ng Enero 2020, 1,771 ang bagong naiulat na kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa buong bansa, at 515 ang karagdagang kaso na nasa kritikal na kondisyon. Samantala, 2,077 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 26 ang bagong bilang ng mga namatay, at 9 ang naiukat na gumaling na.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kahapon, 4,515 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Tsina, at 106 ang binawian ng buhay. Samantala, 6,973 ang pinaghihinalaang kaso, at 60 katao ang gumaling na.
Salin: Frank