Nitong Enero 28 (local time), 2020, pinagtibay ng US House of Representatives ang umano'y "Tibetan Policy and Support Act of 2019," bagay na grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig. Ipinalalabas nito ang maling signal sa mga puwersang naninindigan sa "pagsasarili ng Tibet," at lubos nitong ibinubunyag ang tangka ng ilang politikong Amerikano na panghimasukan ang suliraning panloob, at sirain ang kabuuan ng teritoryo ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Tibet.
Ang isyu ng Tibet ay mahalagang isyu ng prinsipyo sa halip ng isyu ng nasyonalidad, relihiyon, at isyu ng karapatang pantao. Ang mga suliranin ng Tibet ay suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ang panghihimasok ng mga dayuhang puwersa. Ang nasabing panukalang batas ng US House of Representatives ay hindi lamang sumasalungat sa pangunahing mithiin ng komunidad ng daigdig, kundi grabe itong lumabag sa prinsipyo ng di-pakikialam sa isa't-isa ng pandaigdigang batas, sa obligasyon ng Amerika na itinatakda sa Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at sa pangako nitong kilalanin ng Amerika na ang Tibet ay isang bahagi ng Tsina at hindi sumusuporta sa "pagsasarili ng Tibet." Kaya, walang anumang bisa ang nasabing panukalang batas.
Salin: Lito