|
||||||||
|
||
Ayon sa National Health Commission ng Tsina, nitong Miyerkules, Enero 29, 2020, 1,737 ang bagong naiulat na kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa buong bansa, at 131 ang karagdagang kaso na nasa kritikal na kondisyon. Samantala, 4,148 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 38 ang bagong bilang ng mga namatay, at 21 ang naiulat na gumaling na.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kahapon, 7,711 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Tsina, at 170 ang binawian ng buhay. Samantala, 12,167 ang pinaghihinalaang kaso, at 124 katao ang gumaling na.
Bukod dito, sa pahayag ng mga opisyal ng Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai at Guanzhou, walang mga Pinoy ang nahawahan ng sakit na dulot ng bagong coronavirus. Tanghali ng Enero 28, ipinaalam sa China Media Group ni Consul General Marshall Louis Alferez ng Guangzhou Consulate na walang apektadong Pilipino sa mga lalawigang Guangdong, Hunan at Guangxi. Samantala, ayon naman kay Consul Marlowe Miranda ng Shanghai Consulate, nananatiling ligtas sa novel coronavirus affliction ang mga Pilipino sa Hubei, Anhui, Jiangsu, Zhejiang at Shanghai. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng Pilipinas sa Filipino community lalo na sa Wuhan, Hubei kung saan nagsimula ang epidemya. Bukas ang linya ng komunikasyon sa nasabing mga kunsulado upang agad na rumisponde sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |