|
||||||||
|
||
Sinabi Biyernes, Enero 31, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sapul nang sumiklab ang epidemiya ng novel coronavirus, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pinakakomprehensibo't pinakamahigpit na hakbangin, para pigilan at kontrolin ang epidemiya.
Aniya, karamihan sa mga hakbanging ito ay malaking lumampas sa kahilingan at ekspektasyon ng International Health Regulations.
"May lubos kaming kompiyansa at kakayahan para mapagtagumpayan ang epidemiya," dagdag ni Hua.
Samantala, ipinatalastas ngayong araw ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na ang epidemiya ng pneumonia na dulot ng novel coronavirus ay Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na batay sa hayagan, maliwanag at responsableng pakikitungo, napapanahong ipinapaalam ng Tsina sa iba't ibang kaukulang panig ang impormasyon ng epidemiya, at ibinabahagi ang complete genomic sequence ng bahagi ng mga strain.
Aniya, binigyan ng WHO at maraming bansa ng lubos na pagpapahalaga at positibong pagtasa ang kilos ng Tsina.
Nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magsikap, kasama ng WHO at iba't ibang bansa, para magkakasamang pangalagaan ang seguridad ng kalusugang pampubliko ng rehiyon at daigdig, dagdag ni Hua.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |