|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng mga liham at iba pang paraan, positibong pagtasa at pagkatig ang ibinigay kamakailan ng mga lider ng ilang bansa at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig sa ginagawang pagsisikap ng Tsina para puksain ang epidemiya ng novel coronavirus.
Saad ni Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Biyetnam, lubos na pinahahalagahan ng mga mamamayang Biyetnames ang hamong kinakaharap ng Tsina.
Nananalig aniya siya, na sa pamamagitan ng matalinong pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ayon sa karanasang nakuha sa paglaban sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), tiyak na mapagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiya sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya na dapat maging panatag ang loob ng mga estudyante at diplomatang Kambodyanong nag-aaral at nagtatrabaho sa Tsina.
Aniya, magsisikap ang mga mamamayang Kambodyano, kasama ng mga Tsino, para puksain ang epidemiya.
Samantala, ayon kay Mahathir Mohamad, Punong Ministro ng Malaysia, ang mabisang hakbanging isinasagawa ng Tsina ay lubos na nagpapakita ng determinasyon at kompiyansa ng pamahalaang Tsino sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Sinabi naman ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), ang kilos ng Tsina ay nagpapakita ng transparency at kooperasyong pandaigdig.
Aniya, sa abot ng makakaya, pinangangalagaan araw-araw ng pamahalaang Tsino ang lahat ng mga mamamayan.
Kinakailangan ng Tsina ang pagbubuklod at pagkatig ng daigdig, dagdag niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |