|
||||||||
|
||
Nagpasiya ang Tsina na magpapadala ng mga charter flight para pauwiin ang mga turistang taga-Hubei na kasalukuyang nananatili sa ibayong dagat dahil sa pagkalat ng bagong coronavirus.
Ito ang ipinahayag ngayong araw, Enero 31, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ginawa ng Tsina ang nasabing desisyon makaraang isaalang-alang ang kasalukuyang situwasyon at problema na kinakaharap ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat.
Maraming turistang taga-Hubei, lalawigan kung saan nagsimula ang epidemiya ang naiulat na pinagbabawalang sumakay ng eroplanong komersyal sa ilang paliparang pandaigdig, o kanselado na ang ilang flight papuntang Wuhan, punong-lunsod ng Hubei.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |