|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika ng Komisyon ng Kalusugan ng Lalawigang Hubei, hanggang alas-dose ng hating gabi, Pebrero 4, 2020, 13,522 ang naitalang kumpirmadong kaso ng pagkahawa sa novel coronavirus (2019-nCov) sa Lalawigang Hubei, at 10,990 ay nasa ospital para sa kuwarentanas at paggamot.
Kabilang dito, 6,384 ang naiulat na kumpirmadong kaso sa Wuhan, episentro ng naturang epidemiya.
Hanggang alas-8 ng gabi, Pebrero 2, 68 grupong medikal at 8,310 doktor at nars mula sa 29 na lalawigan, rehiyong awtonomo, at munisipalidad ng bansa, at People's Liberation Army (PLA) ang nagtungo sa Hubei para magbigay-tulong sa gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Samantala, handang handa na ang iba't ibang gawaing preparatoryo ng Huoshenshan Hospital, pansamantalang ospital na itinatag sa loob ng 10 araw para sa paggagamot ng mga nahawahan ng novel coronavirus.
Lunes ng gabi, tinanggap ng ospital ang unang pangkat ng mga pasyente.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |