|
||||||||
|
||
Upang harapin ang epektong dulot ng kalagayang epidemiko ng bagong coronavirus, isinasagawa ng iba't-ibang lugar ng Tsina ang mga hakbangin para puspusang maigarantiya ang kaligtasan ng pamumuhay at produksyon ng mga mamamayan.
Para mapababa ang panganib ng pagkalat ng virus, mula bukas, Pebrero 7, isasagawa ng lunsod Yangzhou, probinsyang Jiangsu ng Tsina, ang pagbibili-online ng mga residente ng mga face mask.
Para maigarantiya ang pagkakaroon ng sapat na panahon sa pagdisinfeksyon makaraang tapusin ang operasyon ng subway, mula Pebrero 7, pansamantalang pabababain ng Shanghai subway ang oras ng pagtakbo ng ilang linyang pangkomunikasyon sa tuwing Biyernes at Sabado. Bukod dito, hiniling nitong mula nitong Miyerkules, dapat magsuot ng face mask habang sumasakay ng subway.
Para mapigilan ang pagkalat ng kalagayang epidemiko, sinimula ng sistema ng hukuman ng Beijing ang modelo ng paghawak ng online sa mga kaso para mabawasan sa pinakamalaking digri ang paglalakbay at pagtitipon ng mga kaukulang tao.
Bukod dito, sinimulang isagawa ng nakakaraming kapitbahayan at nayon ng Tsina ang mahigpit na pamamahala sa mga taong lumalabas-pumapasok.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |