|
||||||||
|
||
Upang buong sikap na harapin ang epektong dulot ng kalagayang epidemiko ng bagong coronavirus, isinasagawa ng Tsina ang maraming hakbangin para maigarantiya ang suplay ng mga materiyal, katigan ang produksyon ng mga bahay-kalakal, at mabigyang-kasiyahan ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa Pirmihang Pulong ng Konseho na idinaos nitong Miyerkules, Pebrero 5, 2020, hiniling nito na dapat aktuwal na pabutihin ang gawain ng paggarantiya sa mga mahalagang medikal na materiyal at kinakailangang kagamitang pampamumuhay. Tiniyak din sa pulong ang kaukulang patakarang pinansyal sa pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko.
Isinaoperasyon ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina ang green channel para ihatid ang mga pangkagipitang materiyal. Hanggang nitong Miyerkules, 106 libong toneladang materiyal na medikal at pampamumuhay ay naihatid sa probinsyang Hubei, sa pamamagitan ng daam-bakal, lansangan, abiyasyon, transportasyong pantubig, at iba pang paraan.
Bukod dito, upang tulungan ang mga bahay-kalakal sa pagpapanumbalik ng produksyon sa pinakamadaling panahon, hinihiling ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma sa iba't-ibang lugar na palakasin ang malayong pagsusuri at pag-aaproba sa mga proyektong pampamumuhunan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |