Binigyang-diin kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat palakasin ang pagsisikap sa mga aspekto ng lehislasyon, pagpapatupad ng batas, katarungan, at pagtalima sa batas, para isagawa, alinsunod sa batas, ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus.
Winika ito ni Xi habang nangungulo siya sa pulong ng Commission for Overall Law-based Governance. Dagdag niya, ang pagsasagawa ng mga hakbangin alinsunod sa batas ay mahalaga para sa pakikibaka sa epidemiya. Dapat palakasin ang kakayahan sa nabanggit na mga aspekto, para magkaloob ng pambatas na garantiya sa mga gawain laban sa novel coronavirus, ani Xi.
Salin: Frank