Kaugnay ng pagsasagawa ng ilang bansa ng sobrang hakbangin para maputol ang mga flight patungong Tsina, sinabi Huwebes, Pebrero 6, 2020 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ganitong kilos ay hindi makakatulong sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov), sa halip, artipisyal itong lumikha ng takot. Malubha itong humadlang sa normal na pagpapalitan at pagtutulungang pandaigdig, at gumambala sa kaayusan ng pandaigdigang pamilihan ng abiyasyon at transportasyon, ani Hua.
Saad ni Hua, pagkaganap ng epidemiya ng novel coronavirus, isinasagawa ng panig Tsino ang pinakamahigpit na hakbangin para puksain ang epidemiya, at natatamo ang mga positibong progreso. Aniya, paulit-ulit na ipinagdiinan ng World Health Organization ang di-pagsang-ayon, maging ang pagtutol sa pagsasagawa ng kabawalan sa turismo at kalakalan sa Tsina. Mariing hinimok ng proklamasyon ng International Civil Aviation Organization ang iba't ibang bansa na sundin ang mungkahi ng WHO, dagdag niya.
Salin: Vera