Idinaos Pebrero 12,2020, ang pulong ng Central Politburo Standing Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Tinukoy ng pulong na kasabay ng pagpigil ng epidemiya ng novel corona virus (COVID-19), sinusuportahan ng Tsina ang pagpapanumbalik ng produksyon ng mga empresa ng kalakalan sa labas, at aktibong pakikisangkot sa kooperasyong pandaigdig. Lilikha ang pamahalaang Tsino ng mainam na kapaligiran para sa pag-unlad ng kalakalang panlabas, ayon sa pulong.
Sinabi din sa pulong na dapat pasulungin ang pagsasakatuparan ng mga proyekto ng puhunang dayuhan, isagawa ang kinauukulang batas, pabutihin ang kapaligiran ng pamumuhunan ng mga empresang dayuhan, pangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga puhunang dayuhan at iba pa.
Salin: Sarah