Kaugnay ng konklusyong ginawa sa pangkagipitang pulong ng mga ministro ng kalusugan ng Unyong Europeo (EU) hinggil sa di-kailangang pagbabawal ng pagpasok ng mga turistang Tsino sa Schengen Area, nagpahayag Biyernes, Pebrero 14, 2020 ng pagtanggap dito si Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sa nasabing pulong na ginanap nitong Huwebes, sinang-ayunan ng mga kalahok na palakasin ang paghahanda, at isagawa ang koordinadong aksyon, upang pigilan ang ibayo pang pagkalat ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Europa.
Diin ni Geng, sa harap ng epidemiya, kailangang palakasin ng komunidad ng daigdig ang koordinasyon at kooperasyon. Umaasa aniya siyang hindi isasagawa ng mga kaukulang bansa ang sobrang reaksyon, at igagalang ang autorisadong kuru-kuro't mungkahi ng World Health Organization (WHO).
Salin: Vera