|
||||||||
|
||
Sa panayam kamakailan kay Steve Inskeep, ng programang "Morning Edition" ng National Public Radio (NPR) ng Amerika, sinagot ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, ang mga tanong tungkol sa pakikibaka ng Tsina laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at relasyong Sino-Amerikano.
Sinabi ni Cui na ang kalagayang epidemiko ng COVID-19 ay napakalaking hamon, hindi lamang sa Tsina, kundi sa komunidad ng daigdig. Aniya, upang harapin ang hamong ito, isinasagawa ng Tsina ang mga walang katulad na hakbangin para buong sikap na mapigilan ang kalagayang epidemiko, bigyang-lunas ang mga maysakit, at mapababa ang epekto sa kabuhayan at lipunan.
Ipinahayag pa niya na bilang dalawang malaking bansa at pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, may ilang pagkakapareho ang Tsina at Amerika. Ngunit, sanhi ng pagkakaiba ng Tsina at Amerika sa sibilisadong sistema, kaya nahaharap ang dalawang bansa sa sari-sariling problema at hamon, ani Cui.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |