Ayon sa pinakahuling datos sa official website ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang hating gabi ng Pebrero 19, 2020, 1,749 ang bagong naitalang kumpirmado kaso ng pagkahawa ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mainland ng Tsina, 136 ang bagong namatay, at 1,185 naman ang bagong pinaghihinalaang kaso.
Hanggang kaninang hating gabi, 74,185 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmado kaso sa mainland ng Tsina; 5,248 ang bilang ng pinaghihinalaang kaso; 14,376 na katao ang gumaling na, at 2,004 iba pa ang namatay.
Salin: Vera