|
||||||||
|
||
Vientiane, Laos—Nagtagpo nitong Miyerkules, Pebrero 19, 2020 ang mga ministrong panlabas na sina Wang Yi ng Tsina at Don Pramudwinai ng Thailand.
Saad ni Wang, pagkaganap ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkakasunod na nagbigay-tulong sa panig Tsino ang maharlikang pamilya, pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng Thailand. Lalung lalo na, ginawa ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand ang video bilang suporta sa Wuhan at Tsina, saad ni Wang.
Nananalig aniya siyang pagkaraang mapuksa ang epidemiya, magiging mas mahigpit ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Don Pramudwinai na ang epidemiya ng COVID-19 ay isang komong hamon para sa rehiyong ito.
Aniya, sa pamamagitan ng gaganaping espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas hinggil sa COVID-19, payayamamin at patitibayin ang kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at gagawin ang ambag para sa usapin ng kalusugang pampubliko ng rehiyon at daigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |