Ayon sa pinakahuling datos sa official website ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang bago mag-hating gabi ng Pebrero 20, 2020, 394 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mainland ng Tsina.
Samantala, 114 ang bagong namatay, at 1,277 naman ang bagong pinaghihinalaang kaso.
Hanggang kaninang bago mag-hating gabi, 74,576 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa mainland ng Tsina; at 4,922 ang bilang ng mga umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Bukod dito, 16,155 katao ang kabuuang bilang mga gumaling, at 2,118 namatay ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Vera