|
||||||||
|
||
Idinulot ng epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang ilang negatibong epekto sa normal na pagtakbo ng mga negosyo ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Kaugnay nito, tinukoy ng ilang kaukulang namamahalang tauhan ng pamahalaang Tsino, na kasunod ng mabilis na pagpapatupad ng isang serye ng polisya, mananatili, sa mahabang panahon ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Nang kaharapin ng mga negosyo sa lunsod Xiamen, probinsyang Fujian ang mga problema, isinapubliko ng departamento ng taripa sa lokalidad ang tax-free policy sa panahon ng epidemiko, bagay na malaking tumutulong sa mga kompanyang lokal.
Bukod dito, sa mga malalaking probinsya ng kalakalang panlabas na gaya ng Guangdong, Jiangsu, Zhejiang, at Shandong, naglabas ang Tsina ng mga patakarang nagbibigay-katig sa mga kompanya ng kalakalang panlabas.
Sa mga aspektong tulad ng pinansya, lohistiko, at lakas-manggagawa, isinasagawa ang mga katugong hakbangin para malutas ang mga pragmatikong problemang kinakaharap ng mga kompanya.
Samantala, bilang bagong porma ng kalakalang panlabas, unti-unti at maayos na isinusulong ng mga cross-border e-commerce sa iba't-ibang lugar ang pagpapanumbalik ng kanilang produksyon.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |