Sa kanyang pagbisita sa punong himpilan ng World Health Organization (WHO) kamakailan, sinabi ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na malaking sakripisyo ang ginagawa ng mga mamamayang Tsino para labanan ang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ito ay nakakapagbigay ng napakalaking ambag para sa buong sangkatauhan.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Pebrero 26, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na hinahangaan ng panig Tsino ang nasabing posisyon ni Guterres. Aniya, ang epidemiko ng COVID-19 ay komong hamong kinakaharap ng buong sangkatauhan, at kailangang magkakasama itong harapin ng komunidad ng daigdig. Ani Zhao, hanggang sa kasalukuyan, ipinaabot na ng mga lider ng mahigit 170 bansa at 40 organisasyong pandaigdig ang kanilang respeto at pakikiramay sa panig Tsino sa usaping ito. Patuloy at buong sikap na pabubutihin ng panig Tsino ang mga kaukulang gawain sa susunod na yugto, dagdag pa niya.
Salin: Lito