Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Ang pagbibigay-tulong sa iba ay pagbibigay-tulong sa sarili sa kinakailangang sandali

(GMT+08:00) 2020-02-27 13:37:54       CRI

"Ang natanggap kong mga patak ng tubig sa oras ng aking pangangailangan ay papalitan ko ng isang batis." Ito ay kasabihang mabuting naglalarawan sa tradisyon ng Nasyong Tsino.

Sa regular na preskong idinaos Pebrero 25, 2020, ginamit ni Zhao Lijian, bagong Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kasabihang ito para ipaabot ang pasasalamat ng Tsina sa ibinibigay na tulong ng komunidad ng daigdig.

Ipahayag din niya ang determinasyon at responsibilidad ng Tsina sa pangangalaga sa pampublikong seguridad ng buong mundo.

Makaraang manalasa ang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkakahiwalay na ipinadala ng mga lider ng mahigit 170 bansa at 40 organisasyong pandaigdig ang mensahe sa panig Tsino para ipaabot ang kanilang pagkatig. Bukod dito, nag-aabuloy ng pondo at materyal ang iba't-ibang sektor ng maraming bansa upang suportahan ang Tsina sa pakikibaka laban sa epidemiya.

Walang kinikilalang hangganan ang virus, at kamakaila'y kumakalat ito sa mga bansang gaya ng Hapon, Timog Korea, Italya, at Iran.Dagdag pa riyan, nakita na rin sa Aprika ang kumpirmadong kaso. Kaunay nito, maraming beses nang ipinahayag ng World Health Organization (WHO) ang pagkabahala sa mga bansang may mahinang sistemang medikal at pangkasulugan.

Samantala, may maraming karanasan ang Tsina sa pakikibaka laban sa kalagayang epidemiko, at ang malakasang determinasyon ng bansa sa pangangalaga sa pampublikong kalusugan ng buong daigdig. Kasabay ng pagpapabuti sa sariling pagkontrol at pagpigil sa epidemiya, nakahanda ang panig Tsino na palalimin ang pakikipagkoordinasyon at pakikipagkooperasyon sa mga kaukulang bansa para ibahagi ang impormasyon at karanasan. Bukod dito, nakahanda ang panig Tsino na magkaloob ng tulong, sa abot ng makakaya, sa mga bansang may mahinang sistemang medikal.

Ngunit, sa kabila nito, walang tigil na inilalabas ng ilang politiko at media ng Amerika ang mga tsismis laban sa Tsina, sa halip na tumulong sa ibang bansa. Tanong: sa sandali ng pangangailangan, sino ba ang nagpapakita ng responsibilidad, at sino ba ang bumabalewala sa responsibilidad?

Tinukoy kamakailan ni Martin Albrow, academician ng British Academy at bantog na sociologist, na sa pagharap sa malaking insidente ng pampublikong kalusugan, kinakailangan ang kolektibong katalinuhan at kooperasyon ng buong sangkatauhan. Ito aniya ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Sangkatauhan.

Sa mahirap na sandali, ang pagbibigay-tulong sa iba ay pagbibigay-tulong sa sarili. Kung magkakasamang nagpupunyagi at magtutulungan ang buong daigdig, mapagtatagumpayan ang epidemiko at mapapanumbalik ang normal na kaayusan sa mundo.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>