|
||||||||
|
||
Ginanap nitong Linggo, Marso 1, 2020 sa Yangon, Myanmar ang seremonya ng pagsalin ng 200 toneladang bigas na inabuloy ng pamahalaan ng Myanmar sa Wuhan, episentro ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Lalawigang Hubei ng Tsina.
Ipinahayag ni Aung Htoo, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Myanmar, ang taos-pusong pangungumusta sa epidemiya ng COVID-19 sa Tsina.
Binigyan din niya ng mataas na pagtasa ang positibong bungang natamo ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Ani Aung Htoo, layon ng pag-aabuloy ng kanyang pamahalaan na ipakita ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at tupdin ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Myanmar.
Nananalig aniya siyang tiyak na pagtatagumpayan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang epidemiyang ito.
Dagdag ni Aung Htoo, ang epidemiya ng COVID-19 ay isang pagsubok sa kabuhayang Tsino, at may kompiyansa siyang pananaigan ng kabuhayang Tsino ang epekto ng epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |