Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Marso 12, 2020, 15 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland
Samantala, 33 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 11 ang namatay, 1,318 ang gumaling sa nasabing araw, at 6 naman ang bagong na-angkat na kaso mula sa ibayong dagat.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 80,793 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina, at 253 ang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 62,793 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, 3,169 ang kabuuang bilang ng mga namatay, at 85 ang kabuuang na-angkat na kaso mula sa ibayong dagat.
Salin: Vera