Si Bounkong Syhavong, Ministro ng Kalusugan ng Laos
Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Bounkong Syhavong, Ministro ng Kalusugan ng Laos, na ang mga isinagawang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay nakakapagbigay ng inspirasyon sa iba't-ibang bansa sa daigdig sa usaping ito.
Nakahanda aniya ang Laos na ibayo pang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Aniya, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at isinasagawa ang isang serye ng malakas at mabisang hakbangin. Bukod dito, aktibo aniyang nakikipagtulungan ang mga mamamayang Tsino sa pamahalaang Tsino sa mabuting pagtutupad ng naturang mga hakbangin. Sa ngayon, patuloy na bumababa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng epidemiya. Ipinakikita nito na ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina ay epektibo, dagdag niya.
Salin: Lito