|
||||||||
|
||
Si Punong Ministro Erna Solberg ng Norway
Sa isang news briefing na idinaos Sabado ng gabi, Marso 14 (local time), 2020 ng Palasyong Pampunong Ministro ng Norway, ipinagdiinan ni Punong Ministro Erna Solberg na kasalukuyang nahaharap ang Norway at iba pang mga bansa sa malaking pagsubok sa aspekto ng sistemang medikal, araw-araw na pamumuhay, at kabuhayan. Aniya, tulad ng ibang bansa, nasa pambansang krisis ang Norway.
Ipinahayag pa niya ang pag-asang tutulungan ng Tsina ang kanyang bansa. Kasalukuyan aniyang nakikipagtalakayan ang pamahalaan sa Norwegian Air Shuttle at Scandinavian Airlines Systems para alamin kung puwedeng ihatid ang mga medikal na materiyal sa Norway mula sa Tsina.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |