|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO) hinggil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hanggang alas-10 ng umaga, Central European Time, Linggo, Marso 15, 2020, 72,469 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmado kaso sa 143 bansa, teritoryo at rehiyon, liban sa Tsina.
Upang harapin ang nasabing epidemiya, magkakasunod na inilunsad ng iba't ibang bansa ang mga kaukulang hakbangin.
Sa Amerika, mula noong Marso 15, ibinaba sa halos sero ng Federal Reserve (Fed) ang benchmark interest rate nito.
Samantala, inilunsad din ang quantitative easing program na nagkakahalaga ng 700 bilyong dolyares, upang harapin ang epektong dulot ng epidemiya.
Sa kabilang dako, nasa pinakamataas na yugto ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa Paris, Pransya.
Ayon sa kaukulang kautusan ng pamahalaan, sinarado ang lahat ng mga di-kinakailangang lugar na pampubliko na gaya ng restauran, bar, at sinehan.
Ayon naman sa desisyon ni Chancellor Angela Merkel at mga gobernador ng maraming estado ng Alemanya, isasara ang hanggahan ng bansa sa Pransya, Austria at Switzerland, alas-8 ng umaga ng Lunes, Marso 16.
Sa Timog Korea naman, ang Daegu City at mga kaukulang rehiyon ng Gyeongsangbuk-Do na may grabeng kalagayan ng epidemiya ay itinuturing na espesyal na rehiyon ng kalamidad.
Bibigyang-suporta ng pamahalaang sentral ang nasabing mga rehiyon, sa aspekto ng pananalapi.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |