Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Linggo, Marso 15, 2020 ng World Health Organization (WHO), hanggang alas-10 kahapon ng umaga, Central European Time, 10,955 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mga bansa't rehiyon, liban sa Tsina, at 333 naman ang bagong namatay.
Umabot na rin sa 72,469 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 143 bansa, teritoryo at rehiyon, liban saTsina.
Kabilang dito, 2,531 ang mga namatay.
Dagdag pa riyan, 153,517 ang pangkalahatang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa buong mundo, at 5,735 ang namatay.
Salin: Vera