Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Marso 17, 2020, 13 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland. Samantala, 21 ang bagong pinaghihinalaang kaso, at 11 ang bagong namatay.
Kabilang dito, 12 ang bagong naangkat na kaso sa ibayong dagat. Sa katulad na panahon, umabot sa 155 ang kabuuang bilang ng mga imported confirmed cases.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 80,894 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 119 ang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 69,601 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,237 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Lito