|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/1280980855430907/
PAKSA:1. TSINA, MULING MAGPAPADALA NG TULONG SA PILIPINAS
2. BAKUNA LABAN SA COVID-19 MALAPIT NANG PUMASOK SA CLINICAL TRIAL
3. CLINICAL TRIAL NG FAVIPIRAVIR, TAPOS NA: REKOMENDADONG MAGING BAHAGI NG PANGGAGAMOT KONTRA COVID-19
PAKSA 1
* Ayon sa mamamahayag ng Filipino Service na nasa Manila, kinumpirma na ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang muling magpapadala ng tulong ang Tsina na kinabibilangan ng:
100,000 test kit, 100,000 surgical mask, 10,000 personal protection equipment, at 10,000 N95 mask.
* Ang balitang ito ay inihayag na rin ng Radyo Pilipinas at Manila Bulletin.
* Ilang araw ang nakaraan, maaalalang, nagpadala na ng 2,000 fast test kit ang Tsina sa Pilipinas, at ipinangako ni Wang Yi, State Counsellor at Ministrong Panlabas ng Tsina, na gagawin ng kanyang bansa ang lahat ng makakaya upang tulungan ang Pilipinas sa laban nito kontra sa COVID-19.
* Darating ang nasabing karagdagang tulong sa lalong madaling panahon.
PAKSA 2
* Ilan sa mga kandidatong bakunang panlaban sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay inaasahang papasok sa clinical trial, sa lalong madaling panahon. Ito ang ipinahayag kahapon ni Wang Junzhi, academician ng Chinese Academy of Engineering.
* 5 pamamaraan ang ginagawa ng mga siyentistang Tsino, at ito ay ang mga sumusunod: inactivated vaccines, genetic engineering subunit vaccines, adenovirus vector vaccines, nucleic acid vaccines, at vaccines using attenuated influenza virus as vectors.
* Inaasahang matatapos ang preclinical research ng ilan sa mga grupong nagdedebelop ng bakuna sa Abril, pero baka ang ilan ay maging mas maaga rito.
* Sinabi ni Wang na mayroon nang mga research team na kumukuha ng mga boluntaryo at nag-apply na rin para sa clinical trials sa National Medical Products Administration.
* Samantala, ayon kay Lei Chaozi, opisyal ng Ministry of Education, ang flu viral vector-based vaccine ay nasa animal test na rin at naka-iskedyul ito para sa clinical trial sa katapusan ng Abril.
* Sa kabilang dako, noong Lunes, sinabi ng isa pang opisyal ng Shanghai Municipal Health Commission na papasok na rin sa clinical trial ang bakunang idinebelop sa Shanghai sa kalagitnaan ng Abril.
PAKSA 3
* Natapos na ng Tsina ang clinical research ng Favipiravir
* Ang Favipiravir ay isang antiviral na gamot na nagpapakita ng napakagandang resulta laban sa novel coronavirus disease COVID-19.
* Ito ay gamot na panlaban sa influenza, na inaprubahan para sa klinikal na paggamit noong 2014, sa Hapon.
* Ayon kay Zhang Xinmin, Direktor ng China National Center for Biotechnology Development ng Ministry of Science and Technology, wala itong obvious adverse effect.
* Mahigit 80 pasyente ang sumailalim sa clinical trial sa Third People's Hospital of Shenzhen, lalawigang Guangdong, Tsina. Kabilang dito, 35 pasyente ang binigyan ng Favipiravir, samantalang 45 iba pa ang hindi. Ang mga pasyenteng nabigyan ng Favipiravir ay nag-negatibo sa virus sa loob lamang ng maikling panahon kumpara sa mga hindi nabigyan.
* Samantala, ayon din sa multi-center random clinical study na pinangungunahan ng Zhongnan Hospital ng Wuhan University, mas mabilis ang paggaling ng mga pasyenteng tumanggap ng Favipiravir.
* Ang Favipiravir ay inirekomenda nang maging bahagi ng diagnosis and treatment plan para sa COVID-19.
* Kaugnay nito, aprubado na ng National Medical Products Administration ng Tsina ang isang kompanyang Tsino na mag-mass-produce ng Favipiravir upang masiguro ang supply nito, ani Zhang.
SOURCE:
http://xhnewsapi.zhongguowangshi.com/share/news?id=414701959565312&clientMarket=huawei&fbclid=IwAR1FPrgK-xbb_FMYmJ7hWPamRnFSRaqhDmx3XJAkiNovgGNIXcu2v3wjHDY
http://www.xinhuanet.com/english/2020-03/17/c_138888437.htm?fbclid=IwAR2GZ2x5z4xBF9F55Mr0145UX3P4eNX0m8yH0KR_8Lwd7R-Nia-WVH5Fhn0
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |