Sinabi sa Beijing nitong Miyerkules, Marso 18, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maigting ang kalagayan ng paglaban ng buong daidig sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at mabilis itong kumakalat sa lahat ng dako.
Dapat aniyang magbuklud-buklod ang komunidad ng daigdig, para magkakasamang puksain ang epidemiya, at pangalagaan ang seguridad ng kalusugang pampubliko ng rehiyon at daigdig.
Dagdag ni Geng, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magpunyagi, kasama ng komunidad ng daigdig, at magkaloob ng karanasan at puwersa para sa mas mainam na pagharap sa hamon ng seguridad ng pandaigdigang kalusugang pampubliko, at pagpapasulong sa kabiyayaang pangkalusugan ng sangkatauhan.
Salin: Vera