|
||||||||
|
||
Sa isang espesyal na programang pinamagatang "Global Epidemic Consultation Room" na pinasimulan ng China Global Television Network (CGTN), sangay ng China Media Group (CMG), maraming beses nitong inimbitahan kamakailan ang mga tauhan at ekspertong medikal ng Tsina at dayuhang bansa na nasa bungad ng pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) para magbahagi ng karanasang Tsino sa usaping ito sa pamamagitan ng video meeting.
Sa video meeting nitong Biyernes ng gabi, Marso 19, nagpalitan ng karanasan ang mga ekspertong medikal mula sa Unyong Europeo (EU), Amerika at Israel, at mga doktor Tsino sa lunsod Wuhan ng probinsyang Hubei ng Tsina, hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, pagpapagamot ng mga maysakit, at iba pang aspekto.
Si Li Shengqing, ekspertong Tsino
Ipinahayag ni Li Shengqing, ekspertong Tsino na kalahok sa nasabing video meeting, na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang karanasan sa mga dayuhang kasamahan, umaasa siyang mabibigyan ng tama at mabilis na lunas ang mga maysakit na nasa kritikal na kondisyon.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na dayuhang eksperto at iskolar na nakakatulong nang malaki sa kanila ang mga ibinahaging karanasan at mungkahi ng mga ekspertong Tsino.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |