|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/240792967068959/
PAKSA:1. Tsina, magpapadala ng mga eskperto sa Pilipinas
2. MGA TEST KIT NA INABULOY NG TSINA SA PILIPINAS, MABISA
PAKSA 1
* Posibleng ipadala ng Tsina sa Pilipinas ang mga eksperto upang tumulong sa paglaban sa COVID-19.
* Sang-ayon ang pamahalaang Tsino na magpadala ng mga eksperto sa Pilipinas upang tumulong sa paglaban ng bansa sa COVID-19.
* Posibleng 12 katao ang ipapadala sa Pilipinas, at hinihintay na ngayon ng Tsina ang pagsang-ayon ng Department of Health (DoH).
* Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, hindi maaaring pisikal na manggamot ang mga ekspertong Tsino, kaya ang mga ekspertong Tsino ay magbibigay ng kinakailangang impormasyon, karanasan, kasanayan, at instruksyon sa mga Pilipinong doktor.
* Noong Marso 25, isang video meeting ang idinaos sa pagitan ng mga doktor mula sa Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) at First Affiliated Hospital of Medical School ng Zhejiang University kung saan ibinahagi ng mga ekspertong Tsino ang kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpigil at pagkontrol, at paggamot sa COVID-19 sa mga doktor na Pilipino.
* Samantala, Marso 26, dumating ang ikatlong batch ng tulong ng Tsina sa Pilipinas na kinabibilangan ng 200,000 N95 MASKS, 100,000 SURGICAL MASKS AT 2,000 THERMAL /INFRARED THERMOMETERS, MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNSOD GUANGZHOU, LALAWIGANG GUANGDONG NG TSINA, AT ANG MGA ITO AY IBINIGAY SA LUNSOD NG MAYNILA.
* Noong Maso 21, dumating sa bansa ang ikalawang batch ng donasyong medikal mula sa Tsina, na kinabibilangan ng 100,000 test kits, 100,000 surgical masks, 10,000 N95 masks, at 10,000 sets ng personal protective equipment (PPE).
* Noong Marso 16, dumating sa Pilipinas ang unang tulong ng Tsina na kinabibilangan ng 2,000 test kits.
* Bukod pa riyan, 50,000 test kits ang ibinigay sa Pilipinas ni Jack Ma, kilalang negosyante ng Tsina at tagapagtatag ng Alibaba Group of Companies.
* Nakatakda rin siyang magbigay pa ng 500,000 surgical masks.
PAKSA 2
* Ang mga test kit na inabuloy ng Tsina sa Pilipinas ay mabisa.
* Huwag pong maniniwala sa mga maling balita.
* Ang mga inabuloy na test kit ng Tsina ay Nucleic Acid Diagnostic Kit o Realtime Polymerase Chain Reaction-Based (RT-PCR), na gawa ng Sansure Biotech.
* Ang mga test kit ng Sansure Biotech ay aprubado ng National Products Administration ng Tsina (NMPA).
* Ang Sansure Biotech ay matatagpuan sa No. 680 Lusong Road, Hitech Development Zone, Yuelu District, lunsod Changsha, lalawigang Hunan, Tsina.
* Aprubado rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ng Pilipinas para sa komersyal na paggamit ang mga test kit ng Sansure Biotech.
* Ang Realtime Polymerase Chain Reaction-Based (RT-PCR) ay isang prosesong nangangailangan ng PCR Machine, at sa laboratoryo ito ginagawa ng mga taong may sapat na kaalaman.
* Ayon din sa Department of Health (DOH), tanging ang mga laboratoryo ng Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM) ang maaring magproseso ng mga RT-PCR-based kit. Kaya naman, ang mga ibinigay ng Tsina ay mabisa.
* Ang mga ito ay hindi gawa ng Shenzhen Bioeasy Technology, na siyang manufacturer ng mga binili ng Espanya.
* Ayon sa website ng Business Insider, sinabi ng Embahadang Tsino sa tweet nito na hindi kasama sa mga inaabuloy ng Tsina sa ibang bansa ang mga test kit ng Shenzhen Bioeasy Technology, at ang mga napuntang test kit ay binili ng bansa at HINDI inabuloy ng pamahalaang Tsino.
* Ayon pa rin sa Business Insider, ibinigay ng Ministry of Commerce ng Tsina ang listahan ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng test kit sa pamahalaan ng Espanya at ang Shenzhen Bioeasy Technology ay hindi kasama sa nasabing listahan.
* Dagdag pa ng Business Insider, ang Shenzhen Bioeasy Technology ay walang lisensya mula sa National Medical Products Adminstration ng Tsina upang magbenta ng produkto.
* 340,000 test kit ang binili ng Espanya sa Shenzhen Bioeasy Technology.
SOURCE:
Wang Haili, Mamamahayag ng Filipino Service sa Pilipinas
https://filipino.cri.cn/301/2020/03/24/109s166946.htm?fbclid=IwAR0PebeYgDKkQHpVFWVkZyMDeRpprsGxzSF30XQ1-U4D6980Wwz83DEBALA
https://www.pna.gov.ph/articles/1097609http://xhnewsapi.zhongguowangshi.com/share/newsid=417400751517696&clientMarket=huawei&fbclid=IwAR1oJJpI4c4tXGv2gTHFC9hQYsroJLgLbRlj3C15a--vg3DYNH4V7L46Huk
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |