Dumalo nitong Huwebes, Marso 26, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit hinggil sa COVID-19 pandemic. Pagkatapos ng summit, isinalaysay ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang natamong bunga ng nasabing summit.
Saad ni Ma, nilagom ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati sa pulong ang mga hakbangin at karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya. Iniharap din ni Xi ang isang serye ng mga paninindigan ukol sa pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at pagpapatatag ng kabuhayang pandaigdig.
Dagdag ni Ma Zhaoxu, kumakalat pa rin sa maraming lugar ng daigdig ang COVID-19 pandemic, at napakatindi ng kalagayan. Aniya, dapat gawing patnubay ang diwa sa talumpati ni Xi, upang pasulungin ang pagtitipun-tipon ng mga komong palagay sa multilateral na plataporma ng G20.
Isasagawa rin ang mga pragmatikong hakbangin, para gumawa ng positibong ambag sa pagpigil sa pagkalat ng virus sa lalong madaling panahon, at pagpapanumbalik ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, dagdag niya.
Salin: Vera