Ayon sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University, hanggang 18:02 ng Marso 28 (American Eastern Standard Time, EST), pumalo na sa 121,117 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at 2,010 ang namatay.
Upang harapin ang epidemiyang ito, ipinatalastas nang araw ring iyon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagpasok sa katayuang "malubhang kalamidad" ng 15 estadong gaya ng New York, Washington, California, at New Zersey, at dalawang teritoryo sa ibayong dagat na kinabibilangan ng Guam at Puerto Rico.
Samantala, hanggang 18:00 Marso 28 (local time), umabot sa 5,974 ang karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italya, 92,472 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso, at 10,023 ang namatay.
Bilang tugon sa kahilingan ng mga ekspertong Italyano, nagkaroon ng online meeting ang grupong medikal ng Tsina at Italya, mula sa 4 na ospital sa Lombardia ng Italya para talakayin ang tungkol sa pagpigil at pagbibigay-lunas sa epidemiya.
Salin: Lito