|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/520712685498381/
PAKSA: SARS-Cov-2, hindi nagmula sa Wuhan Seafood Market; hindi rin gawa sa laboratoryo* Ang tunay na pinagmulan ng SARS-Cov-2, virus na nagsasanhi ng Corona Virus Disease 2019 (COVID 19) ay malawakan ngayong pinag-u-usapan sa social media, at marami rin ang nagsilitawang conspiracy theory kaugnay nito.
* Pero, ang mga conspiracy theory at mga tsismis sa social media ay hindi nakakatulong sa pagpapahupa ng agam-agam ng maraming tao sa mundo, bagkus, ang mga ito ay nagsasanhi ng mas maraming takot at pagkabalisa. Ang nararapat gawin ay magkaroon ng mas malawak at bukas na pag-i-isip at huwag maniniwala sa mga video, balita at kung-anu-ano pang tsismis na hindi nagmumula sa mga lehitimong ahensiya ng gobyerno, at opisyal na organo ng pagbabalita ng pamahalaan.
* Ayon sa bagong siyentipikong pag-aaral, ang SARS-CoV-2, ay may natural na pinagmulan; sa madaling salita, nanggaling mismo sa kalikasan at hindi gawa ng tao.
* Ayon kay Dr. Robert Garry, Propesor ng Tulane University School of Medicine at co-author na nasabing siyentipikong pag-aaral,"may mga kasong may kaugnayan sa Wuhan Seafood Market, pero may iba pang, walang koneksyon dito, partikular ang mga mas naunang kaso."
* Ang Tulane University School of Medicine ay matatagpuan sa New Orleans, Louisiana, Amerika.
* Ayon pa kay Garry, "ang virus ay naidala sa Wuhan Seafood Market, at hindi rito nagmula."
Ipinagdiinan pa ni Garry na sa ngayon, hindi pa batid ang tunay na pinagmulan ng novel corona virus.
"The spark landed in Wuhan, but we don't know where the spark came from. It could have come from just about anywhere in nature on planet Earth," dagdag niya.
* Samanatala, sa panayam sa American Broadcasting Corporation (ABC) News, binigyang-diin din ni Garry na isang miskonsepsyon ang paniniwalang ang virus ay nagmula sa Wuhan Seafood Market ng Tsina.
* Ayon pa kay Dr. Garry, ang kasalukuyang pandemic ay posibleng sanhi ng mutation sa pang-ibabaw na protina ng virus.
* "It's also possible that a less severe version of the illness was circulating through the population for years, perhaps even decades, before escalating to this point," sabi niya.
Maliban dito, pinabulaanan din ng doktor ang conspiracy theory na gawa di-umano sa laboratoryo ang virus.
* "No scientist, in China, America or elsewhere, possibly could have constructed this virus in a laboratory," mariin niyang ipinahayag.
* Ang mga coronaviruses ay nagtataglay ng mala-koronang tulis sa panlabas na bahagi, at sa pag-aaral na isinapubliko sa Nature Medicine, isang grupo ng mga siyentista mula sa Amerika, Britanya, at Australya ang nag-analisa ng 2 espisipikong katangian ng mga patulis na protina ng virus na responsable sa pagkapit at pagpasok sa cell ng tao.
* Ayon sa naturang pag-aaral, ang patulis na protina ng SARS-CoV-2 ay naka-optimisa upang kumapit sa molekyul na nasa labas ng cell ng tao, at ito ay sobrang episyente kaya, nagkakaisang pinagkasunduan ng mga siyentista na ang katangiang ito ay resulta ng proseso ng natural selection at hindi gawa ng sinumang tao.
* Ayon pa sa mga siyentisa, kung ang virus ay gawa ng tao, kailangang gawin ito mula sa molecular na istruktura ng virus na kilalang nagbibigay sakit sa mga tao, pero, ang nakita ng mga siyentista sa SARS-CoV-2 ay hindi mula sa kahit anumang struktura ng kilalang virus.
* Ang pinaka-kahawig ng SARS-Cov-2 ay virus mula sa mga paniki at pangolin.
* Ayon kay Kristian Andersen, Associate Professor ng Immunology and Microbiology sa Scripps Research at may-akda ng nasabing pag-aaral, ang dalawang katangiang ito: episyenteng mutation sa patulis na protina ng virus at kakaibang molekyular na estruktura ay nagtatanggal sa posibilidad na ang SARS-CoV-2 ay gawa sa laboratoryo.
* Kung hindi gawa sa laboratoryo ang SARS-Cov-2, saan ito nanggaling?
* May 2 posibleng kasagutan ayon sa mga siyentipiko:
- una, natural na seleksyon o mutation sa animal host bago nagkaroon ng paglilipat sa tao
- ikalawa, natural na selseksyon o mutasyon sa tao, makaraang matanggap ang virus mula sa hayop
* Ayon kay Dr. Francis Collins, Direktor ng National Institutes of Health ng Amerika, sa unang senaryo, nagkaroon ng ebolusyon ang coronavirus sa natural nitong host (posibleng paniki o pangolin), at nag-mutate ang patulis na protina nito para episyenteng kumapit sa mga molekyul na may kaparehong estruktura ng sa tao, kaya, ang mga ito ay naging sobrang episyente sa pagpasok sa cell ng tao.
* Kapuwa ang SARS at MERS ay lumaganap sa paraang ito.
* Sa ikalawang senaryo, nailipat sa tao ang virus mula sa hayop, bago pa man ito nakakapagsanhi ng sakit. Dahil sa natural na ebolusyon, nag-mutate ang virus, hanggang sa ito ay nagkaroon ng kakayahang magdulot ng sakit sa tao.
SOURCE:
https://filipino.cri.cn/301/2020/03/30/104s167021.htm
https://news.cgtn.com/news/2020-03-29/American-scientists-refute-Wuhan-as-the-novel-coronavirus-origin-Pg5O51zIkw/index.html
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |